52
GISING NA, GISING NA
To the Work
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog? Kaw. 6:9
1
Gising na, gising na, O taong natulog,
Sala mo kay Jesus ay iyong idulog;
Ihakbang ang paa at dagling sumunod,
Iwaksi ang hiya at kaba ng loob.
Chorus (Koro)
Gising na, dumulog,
Lumapit kay Jesus,
Iwaksi ang lungkot,
At sa Kanya ay sumunod.
2
Magtindig, magtindig O taong nagising
Ang liko mong gawa ay iyong tuwirin;
Ang sama ng loob ay iyong pawiin,
Ang tanglaw ni Jesus ay iyong tanggapin.
3
Lakad na, lakad na, at iyong ihayag,
Si Jesus na sa’yo ay Siyang nahabag,
At dalhin sa lahat ang aral na wagas,
Upang ang sumunod sa Kanya’y maligtas.
- Music
- WHDoane
Imnario page 69