KAY LAKING NABAGO SA AKING BUHAY
What a Wondeful Change
Ang sinumang na kay Cristo, Siya’y bagong nilalang. 2 Cor. 5:17
Kay laking nabago sa aking buhay
Nang Cristo’y nasok sa puso;
Dibdib kong may hapis, liagaya’y nakamtan,
Nang Cristo’y nasok sa puso.
Nang Cristo’y nasok sa puso,
Nang Cristo’y nasok sa puso.
Ang sala’y naaalis,
Ang diwa’y luminis,
Nang Cristo’y nasok sa puso.
Isip ko’y lumaya sa lambong ng dilim,
Nang Cristo’y nasok sa puso;
Nagtamong liwanag ang aking paningin,
Nang Cristo’y nasok sa puso.
Pag-asa’y natanggap ng aking kaluluwa,
Nang Cristo’y nasok sa puso;
Naparam nang lahat ang aking pangamba,
Nang Cristo’y nasok sa puso.
Tiwala’y matibay sa langit hahangga,
Nang Cristo’y nasok sa puso;
Ngayon ay tiwasay Dios ay makikita,
Nang Cristo’y nasok sa puso.
Damdaming marupok ay biglang nagbago
Nang Kristo’y nasok sa puso;
Patawad sa kap’wa ang laging gawad ko
Nang Kristo’y nasok sa puso
- Lyrics
- Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
- Music
- CHGabriel
Imnario page 72