Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

56

MAL’WALHATING PAKIKIPAGNIIG

When I’m With Him

Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap. Luc.24:22

1

Mal’walhating pakikipagniig,

Kay Kristo na umiibig;

Saganang biyaya ay makakamit,

Tuwa’y walang kahulilip

Chorus (Koro)

Kung si Hesus ay kapiling,

Lugod na pangmundo’y nagsisilim,

Sa puso ko’y ligayang walang maliw,

Kung si Hesus ay kapiling.

2

Tayo’y di maaaring mabuhay,

Na kay Hesus ay hiwalay;

Hinahanap ang pusong may lumbay,

Gaya ng nagdaang araw.

3

Ang nasa ko ay maranasan mo,

Ang buhay na nalasap ko,

Ngayo’y hinihintay ka ni Cristo,

Upang biyaya’y matamo.

Aking naramdaman ang dampi N’ya,

Naulinig ang anyaya;

Kung sundin ko ng buong pagsinta,

Alinlanga’y tatakas na.

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
AHackley

Imnario page 73