58
NASA NI JESUS SA AKIN
Jesus Wants Me for a Sunbeam
Tayo’y makalalakad sa panibagong buhay. Rom. 6:4
1
Nasa ni Jesus sa akin,
Ako ay maglining;
Kahit anumang gawain,
Siya’y l’walhatiin.
Chorus (Koro)
Ako ay lalakad,
Sa daang tungong liwanag,
At ipahahayag
Ang Kanyang pagliligtas.
2
Sa Dios aking nanasain,
Ng buong taimtim,
Ako’y Kanyang payapain,
Maligtas sa lagim.
3
Kung si Jesus ang kasama
Saan man humangga,
Dusa’y magiging ligaya,
Ang hirap, ginhawa.
Ako’y maging mairugin,
Saan man dumating;
At lagi kong sisikapin
Ang aral Nya’y dalhin.
- Music
- EOExcell
Imnario page 75