59
SA AKING KASAMAAN, NALAYO SA PAMPANG
Love Lifted Me
Isinampa ako mula sa kakilakilabot na balon. Awit 40:2
1
Sa aking kasamaan, nalayo sa pampang,
Halos di makalutang sa sala kong taglay
Ngunit ang Panginoon sa aking pagtaghoy,
S’yang sa aki’y nagahon at nagampon.
Chorus (Koro)
Iniligtas ng pag-ibig,
Nang walang sumagip,tinangkilik;
Iniligtas ng pag-ibig,
Nang walang sumagip,tinangkilik;
2
Puso ko’y ihahandog, ako’y maglilingkod
Buhay, ipasasakop hanggang sa malagot,
Sa wagas N’yang pag-ibig, kulul’way aawit,
Sa Kanya ay kakapit hanggang langit.
3
Kalul’wang nanganganib, Kay Cristo’y sumandig,
Nang kayo ay masagip sa along mabangis;
S’ya’y handa sa pagtulong, S’ya ang Panginoon,
Kaligtasan mo ngayon Kanyang layon.
- Lyrics
- Federacion
- Music
- HESmith
Imnario page 76