60
SA PILING NG AKING SI JESUS
He Is Coming Soon
Naupo si Maria sa paanan ng Panginoon at nakinig. Luc.10:39
1
Sa piling ng aking si Jesus,
Puso ko ay mayroong lugod,
At sa pagyakap N’yang mairog,
L’walhati, l’walhati’y nalulubos.
Chorus (Koro)
Sa awa Mo’y lumalapit,
Dinggin mo ang aking samo’t pagtangis,
Ang kalul’wa ko’y ipanhik
Sa mal’walhati Mong langit.
2
Sa tinig ng aking si Jesus
Ay lagi akong sumusunod,
At sa aral na Kanyang dulot,
L’walhati, l’walhati’y nalulubos.
3
Pagsapit sa dulo ng landas,
Puso ko ay di masisindak,
At lagi akong manghahawak
Kay Cristo na sa aki’y nagligtas.
Imnario page 77