Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

74

KUNG ANG BUHAY MO AY MARAMING SAGABAL

If Your Heart Keeps Right

Kayo’y Aking mga kaibigan. Juan 15:14

1

Kung ang buhay mo ay maraming sagabal,

Ay h’wag mong ikalungkot, puso’y tibayan,

Si Jesus ang iyong tanging kaibigan,

May wagas na pag-ibig magpakailanman.

Chorus (Koro)

Puso kung tunay, puso kung tunay,

Si Jesus ang ‘yong tanging kaibigan;

Puso kung tunay, puso kung tunay,

Ang langit na mal’walhati ay makakamtan.

2

Kung puso mo ay laging may alinlangan

Sa madlang suliranin ng kabuhayan,

Si Jesus na ilaw ang iyong lapitan,

Mapapawi ang ulap kung puso’y tunay.

3

Kung isip mo ay waring naliligalig

Sa maraming bagay dito sa daigdig,

Si Jesus na kaibigan mong matalik,

May lunas na taglay ang Kanyang pag-ibig.

Music
BDAckley

Imnario page 90