Pagiging Alagad at Paglilingkod
75
LUMAPIT NA SA DIOS
We’re Marching to Zion
Magsiawit kayo ng mga pagpupuri sa Kanya. Awit 33:2
1
Lumapit na sa Dios,
tayong may pag-irog;
Mag-awitan tayong lubos,
mag-awitan tayong lubos,
Sa ngalan ni Jesus,
sa ngalan ni Jesus.
Chorus (Koro)
Hayo at magdiwang,
Magsaya at mag-awitan,
Si Cristo’y pasalamatan,
Habang tayo ay maybuhay.
2
Lumapit nang kusa,
taong masasama;
Itumpak ang mga gawa,
Itumpak ang mga gawa,
Kakamtan ay pala,
kakamtan ay pala.
3
Pagsambang dalisay,
tanging kailangan;
Upang tayo ay kalugdan,
upang tayo ay kalugdan,
Sa langit na bayan,
sa langit na bayan.
- Lyrics
- Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
- Music
- RLowry
Imnario page 91