Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

76

MASAYA ANG ARAW NG PANGINOON

You May Have the Joybells

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon. Awit 118:24

1

Masaya ang araw ng Panginoon,

Masaganang pagpapala’y mayroon,

Tanggapin natin ngayon, nang hindi maparool,

Sa landas na ating tinatalunton.

Chorus (Koro)

Ang buhay ay may galak, Ang buhay ay may galak,

Puso nati’y ibukas, Sa ‘ting Tagapagligtas,

At ligaya’y atin hanggang sa wakas.

2

Sandaling itigil ang manga gawa,

Araw na ito ay tangi’t dakila,

Tayo’y magpakumbaba, aa harap ng Lumikha,

Tayo ay magpuri at mangagkat’wa.

3

Maligayang tunay, araw na ito,

Na ibinukod sa buong sanlinggo,

Maghandog na totoo, ng biyayang natamo,

Upang lumigaya dito sa mundo.

Pagmasdan si Kristo sa pagkadipa,

Sa lahat ng tao’y nag anyaya;

Tinig na may pagsinta,

May patawad na badya,

Tayo’y magsilapit ngayon sa Kanya.

Music
WJKirkpatrick

Imnario page 92