KRISTIANO’Y DAPAT PAGHANDAAN
(Hark! ‘Tis the Clarion)
Isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan. Rom. 13:12
Kristiano’y dapat paghandaan
Ang pakikipaglaban,
At isakbat sa katauham
Kay Cristong kagayakan.
Dios ang pag-asa at sanggalang
Laban sa daya ng kaaway;
Kung tayo’y di manglulupaypay,
Atin ang putong ng buhay.
Piling mga kawal ni Jesus,
Magbihis ng maayos
Ng buong kagayakan ng Dios;
Ang tagumpay ay atin lubos.
Tayo’y di dapat magpabaya.
Kalaba’y naglipana,
Buong lakas na makidigma
Sa hukbong magdaraya.
Tayong lahat ay magsihanda,
Sa Dios ilagak ang tiwala,
Ang manatili sa paggawa
May buhay na gantimpala.
Kawal ni Cristo ay magtapat
Sa aral N’ya’y manghawak,
Ang kadiliman ay iwasak,
Ilantad ang liwanag.
Ang mga bihag ay iharap
Sa paanan ng Mangliligtas,
At isigaw ng buong galak,
Tagumpay na walang kupas.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- FCCabildo
Imnario page 96