Pagiging Alagad at Paglilingkod
81
NAGNININGNING ANG PAG-IBIG
Brightly Beams Our Father’s Mercy
Hindi nila nakita ang liwanag ng mabuting balita. 2 Cor.4:4
1
Nagniningning ang pag-ibig
Ng Amang nasa langit;
Tumatanglaw ang silahis,
Sa libis ng panganib.
Chorus (Koro)
Ilantad mo ang luningning,
Sa ibayong pampangin;
Ang taong nasa hilahil,
Sakloloha’t sagipin.
2
Ang dilim ng kasalanan,
Ay along umuungal,
May mata na naghihintay
Ng liwanag sa pampang.
3
Isilay mo ang liwanag,
Sa taong nababagbag,
Ang pampang iyong itambad,
Nang siya’y mailigtas.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- PPBliss
Imnario page 97