Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay Kristiano

86

KUNG ANG PANAHON AY LAGING TAG-ARAW

Sunshine and Rain

Ikaw, O Dios, naglagpak ng saganang ulan. Awit 68:9

1

Kung ang panahon ay laging tag-araw

At wala nang mabiyayang ulan,

Ang tigang na lupa kung ating tamnan,

Ang ani ba’y ating aasahan?

Chorus (Koro)

Bumubuhay ang araw at ang ulan,

Biyayang mula sa kalangitan;

Nagpapasupling ang ulan at araw,

Panginoon, kami’y padalhan.

2

Tayo ba ay mayro’ng krus na dadalhin

Sa Kanya na sumakop sa atin?

Atin bang talo ang Kanyang paggiliw

At ang luwalhating walang maliw?

3

Atin bang tatanggapi’y sinag-araw,

At ang ula’y ating tatangihan?

Sa pagtanggap mo, ligaya sa buhay,

Itatakwil ba ang kahirapan?

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda

Imnario page 102