Pagiging Alagad at Paglilingkod
87
NASA NI JESUS NA TAYONG LAHAT
Jesus Bids Us Shine
Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw. Mat. 5:16
1
Nasa ni Jesus na tayong lahat
Ay maging ilaw na nagliliwanag,
Sa mundong malungkot, sumikat,
Kahit saang sulok, maging sinag.
2
Nasa ni Jesus na S’ya’y unahin,
Ang gawa’t kilos mo ay magluningning;
Sinusundan tayo ng tingin,
Kahit saang dako na daratnin.
3
Ang kanyang nais ay maging ilaw
Tayo sa paligid, nang makatanglaw;
Ang sala’t hinagpis, tatanan,
At ang hahalili’y kagalakan.
4
Ang Kanyang hangad, tayo’y makita,
Ang mga lagalag, Dalhin sa Kanya.
Magmula sa landas ng sala,
Ating matatanggap ang tulong N’ya.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Imnario page 103