Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pagtatapat at Lakas ng Loob

96

KAWAL NG KRUS, MAGBANGON

Stand Up, Stand Up for Jesus

Sinong babangon, sinong tatayo laban sa kasamaan. Awit 94:16

1

Kawal ng krus, magbangon, Si Cristo ay sundan;

Banal Niyang bandila’y ating iwagayway.

Hukbo’y pangungunahan sa pananagumpay,

Hanggang Kanyang masupil ang bawa’t kaaway.

Chorus (Koro)

Kawal magbangon, si Cristo ay sundan;

Banal Niyang bandila’y masigla nating iwagayway.

2

Kawal ng Dios, magbangon, sa Kanya manangan,

Lakas ay lumilipas ng bisig na laman;

Gamitin ang baluti ng aral na banal,

Pagtawag ng tungkulin, h’wag kang magkukulang.

3

Tindig, tindig, O kawal, laba’y di lalawig,

Paglipas ng digmaan, Bayani’y titindig,

Putong ng karangalan, kanyang makakamit,

At s’ya’y makakapiling ng Hari ng langit.

Lyrics
VGCabildo
Music
AGeibel

Imnario page 112