DIOS AY MOOG NA MATATAG
A Mighty Fortress Is Our God
Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan. Awit 46:1
Dios ay moog na matibay, Kutang di maihahapay;
Tulong sa sakit sa buhay, Sa lahat nagtatagumpay.
Ang ating kalaban, Sa ‘ti’y nakaabang;
Lubhang mapaglalang, Poot naglalatang,
Sa lupa’y walang katambal.
Kung aasaha’y sarili, Sadyang walang mangyayari,
Kung hindi natin kawaksi Pili ng Dios na lalaki.
At sino nga ito? S’ya si Jesu Cristo,
Ang Puno ng Hukbo, Hindi magbabago,
Sa laban ay mananalo.
Mundo man, ng diablo’y tigib, Sa ati’y nasang lumupig,
Walang takot, Dios ay nais, Katotohana’y manaig.
Ang hari ng lagim, Walang lakas sa’tin,
Galit n’ya’y tiisin,Wakas n’ya’y darating,
‘Sang kataga’y aaringking.
Katagang tigib ng bisa, Nangingibabaw sa madla;
Atin ang Diwa’t biyaya Ng sa ati’y nagpapala.
Lahat na’y mawala, Buhay ma’y mapatda
Katawa’y masira; Dios ang pag –aadya,
Hari ng langit at lupa.
- Lyrics
- VGCabildo
- Music
- MLuther
Imnario page 113